INGREDIENTS:
• Para sa ulo ng tinapa, ilagay ito sa dikdikan na may mainit na tubig at dikdikin, salain para makuha ang katas. • Para naman sa ampalaya, pagkahiwa nito, ilagay ito sa tubig na may asin, at pigain ito hanggang sa lumata ito ng bahagya, pag napiga na, itapon ang tubig na may asin. Lagyan ulit ng tubig, banlawan, at itapon na ulit ang tubig :) |
|
PROCEDURE: • Painitan ang kawali, lagyan ng mantika, at mag-gisa ng bawang at sibuyas. • Isabay na sa gisa ang baboy na pinakuluan. • Pagkagisa, ilagay ang 2nd na gata. • Isunod na ilagay ang hinimay na tinapa. • Haluin lang ng haluin hanggang kumulo. • Pag malapit na kumulo, ilagay ang katas ng ulo ng tinapa. • Haluin at hintayin kumulo. • Pag kumulo na, ilagay ang ampalaya at ang 1st na gata. • Wag ito hahaluin masyado dahil baka pumait, mas maayos kung haluin lang ng konti para lang mahalo ung ampalaya at mga sahog. • Pag kumulo na, tikman, lagyan ng asin at vetsin depende sa panlasa niyo. :) |
|